Ang Bobang Pinay
Ako ay nagbalik. Matagal ko na ring naiisip na gawing blog ang bobang pinay sa halip na tagline ng manilenya. Ngayon pagkalipas ng tatlong taon, mula sa panahon ng kalituhan kung ano nga ba ang ang masarap bigkasin ng dila na tagline o pangalan ng blag..eto na ako sa aking bagong bahay.
Bagong Bahay, lumang mga post (pero patuloy na madadagdagan) at balik sa pinakamamahal na lengwahe. Mula sa pagiging stokwa…ako ay nagbalik bilang Bobang Pinay.
Bago pa ipinablish ang mga libro ni Bob Ong, isa na ako sa gumamit ng libreng email…pinagtawanan ng ilang mga tsater ang nalen@bobongpinoy.com ko.
Bago pa ang ipinagmamalaki kong “katalinuhan” matagal ko na ring alam na boba ako.
Bobang Pinay.
Ipinanganak at lumaki ng Tundo, Maynila. Bopol sa klase. Pinakabopol sa tatlong magkakapatid at naging malaking bopol sa pakikihamok sa buhay. Noon yun. Hindi na ngayon.
Mabuhay! ikaw ay bumisita sa about me page ng Bobang Pinay.